Manila, Philippines – Nagpaalam na sa Department of Foreign Affairs si Secretary Alan Peter Cayetano.
Ito ay dahil sasabak sa eleksyon 2019 ang kalihim.
Emosyonal si Cayetano nang magpaalam sa mga opisyal at kawani ng ahensya na itinuring niyang pamilya sa mahigit isang taon.
Pinasalamatan din nito ang mga tauhan ng Office of Consular Affairs, dahil nagawa nito na mapaghusay ang passport at consular services.
Si Cayetano ay maghahain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang kinatawan ng First Congressional District ng Taguig-Pateros.
Ilan sa mga reporma na isinagawa ng DFA ang paglulunsad ng e-payment system; ang Passport on Wheels (POW) Program at ang portal para sa first time na Overseas Filipino Workers (OFW) pati na rin ang pagbubukas ng mga karagdagang consular offices sa buong bansa.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano bilang kalihim ng DFA noong May 2017.