Manila, Philippines – Dalawa pang miyembro ng gabinete ng administrasyon Duterte ang posiblang masibak sa pwesto.
Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Philippine National Games 2018 sa Cebu Sports Center kahapon.
Hindi niya pinangalanan ang dalawang opisyal na aniya ay iniluklok niya pero mga scalawags pala.
Ginagamit rin daw ng mga ito ang kanyang pangalan, maging ang kay Honeylet Avanceña at kanyang mga anak at pinsan para lang makapag-solicit ng pera.
Samantala, sa isang press briefing noong May 15, matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinayuhan ng pangulo sina Justice Asec. Moslemen Macarambon Sr. at DPWH Asec. Tingagun umpa na magbitiw na sa pwesto.
Nagpapadrino raw si Macarambon sa kanyang mga in-laws para magpapasok ng milyun-milyong halaga ng mga alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Habang si umpa ay may reklamong kinakaharap dahil sa pamomorsyento umano sa mga contractor sa ilang proyekto sa ARMM.