TATANGGAP NA! | Aplikasyon para sa mga bakanteng puwesto sa CA at CTA, binuksan na ng JBC

Manila, Philippines – Tatanggap na ang Judicial ang Bar Council ng mga aplikasyon o nominasyon para sa mga bakanteng posisyon sa associate justices sa Court of Appeals (CA) at Court of Tax Appeals (CTA).

Sa abiso ng JBC, kailangang mapunan ang nabakanteng pwesto ni Justice Jose Reyes sa Court of Appeals matapos syang maitalagang Associate Justice ng Korte Suprema Noong Agosto.

Kailangan na rin ng kapalit nina Associtae Justices Magdangal De Leon at Renato Francisco na nagretiro noong Agosto , gayundin ni Associate Justice Romulo Borja na nagretiro noong September 11.


Ang dalawang bakanteng posisyon naman sa Court of Tax Appeals ay bunga ng pagreretiro nina Associate Justices Lovell Bautista noong Agosto katorse at Ceasar Casanova noong September 9.

Sa February 4 ang deadline ng pagtanggap ng aplikasyon o nominasyon ng JBC para sa mga bakanteng pwesto sa CA at CTA.

Facebook Comments