Manila, Philippines – Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na tumanggap ng mga Rohingya refugees mula Myanmar.
Ito ang inihayag ng punong ehekutibo kung gagawin din ito ng mga bansa sa Europa.
Kasabay nito, tinuligsa muli ng Pangulo ang United Nations (Un) dahil sa kanilang pagpuna sa mga umano ay human rights violations na may kaugnayan sa giyera kontra drugs.
Giit ng Pangulo, may mga seryosong isyu ang dapat mas tutukan ng UN tulad ng sitwasyon ng mga Rohingya Muslims sa Myanmar.
Nilinaw na ng Malacañang na mayroong open door policy ang Pilipinas para sa mga refugees.
Facebook Comments