TATAPUSIN | China, tiniyak matatapos ang PNR south rail rehabilitation and restoration project bago matapos ang termino ni P- Duterte

Manila, Philippines – Nangako ang China na matatapos ang rehabilitation and
restoration project sa Philippine National Railway (PNR) south rail bago
matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito pagtitiyak sa kanila ni
Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa kanilang pagpupulong
dalawang linggong nakararaan.

Sinabi aniya ni Zhao na bubuhayin at pasisiglahin muli ang PNR south
railway.


Sa ilalim ng proyekto, aayusin ng China ang kasalukuyang riles ng PNR mula
Paco, Maynila hanggang Matnog, Sorsogon at bahagi ng build, build,build
program ng Duterte Administration.

Matatandaang, in-award sa China ang konstruksyon ng PNR south line mula
Manila patungong Legazpi, Albay.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments