Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagbabawal at nagpapahinto sa ENDO o End of Contractualization.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa IEC Convention Center sa Cebu City, hindi niya nakakalimutan ang pangako niyang tapusin ang Kontraktuwalisasyon.
Sa katunayan aniya, maglalaan ang pamahalaan ng iba’t ibang business at job fairs sa buong bansa para sa mga walang trabaho.
Kasabay nito, kinilala rin ni Pangulong Duterte ang kabayanihan ng mga Overseas Filipino Worker na handang magsakripisyo para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.
Facebook Comments