Tatay na nangmolestiya ng anak, nahuli na matapos ang 4 na taong pagtatago

702

Matapos ang ilang taong pagtatago, nahuli na ang noo’y pinaghahanap na suspek ng 4-anyos na anak na ginahasa sa Sta. Ana, Maynila taong 2015.

Nahuli sa Tanza, Cavite ang sariling tatay ng biktima na nagtatago sa batas matapos ang ginawang krimen.


Naiulat noon na kumpirmadong ginahasa ng suspek ang anak nang maipasuri ito sa eksperto matapos manakit ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Sa kwento ng ina ng bata, nakipaghiwalay siya sa asawa nang dati na rin itong masangkot sa pang-aabuso sa kanilang kaanak.

Ngunit napilitan daw siyang iwan sa mister ang anak dahil siya ay aalis.

Samantala, humaharap ngayon sa kasong rape sa kabila nang kanyang pagtanggi sa mga paratang.

Facebook Comments