Tatay Nene ng Programang “Pimentel Reports” sa DZXL, pumanaw na

Lubos na nakikiramay ang RMN DZXL 558 Manila sa naulilang pamilya ni dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Ang dating senador na mas kilala sa tawag na Tatay Nene ay anchor ng programang “Pimentel Reports” na ilang dekada nang umeere sa DZXL Rmn Manila tuwing linggo ng alas 6:00 ng umaga.

Ang Pimentel Reports ay tumatalakay sa mga isyu sa pulitika at naging daan din para ipaliwanag ang pederalismo na isinusulong ng administrasyong Duterte.


Alas 5:00 kaninang umaga nang pumanaw si Tatay Nene sa edad na 85 dahil sa sakit na Lymphoma at Pneumonia.

Muli, ang DZXL at buong RMN ay nakikiramay sa pamilyang Pimentel.

Paalam Tatay Nene.

Facebook Comments