Tatay ng Indonesian athlete, nasawi habang lumalaban ang anak sa SEA Games

7754
Courtesy 2019 SEA Games

Magkahalong saya at lungkot.

Ito ang naramdaman ng Indonesian athlete na si Edgar Xavier Marvelo makaraang manalo ng gintong medalya sa Wushu at Daoshu sa 30th Southeast Asian Games, Martes ng hapon sa World Trade Center, Pasay City.


Kasabay nito, nalaman niyang pumanaw na ang pinakamamahal na ama habang nakikipagtuos sa prestihiyosong kompetisyon.

Sinabi umano kay Marvelo ang masamang balita matapos maparangalan, ayon sa official Facebook page ng 2019 SEA Games.

Inalay naman ng manlalaro ang dalawang napanalunang gintong medalya sa kaniyang bansa at yumaong ama.

 

View this post on Instagram

 

2 Gold Medals, for Papa❤️

A post shared by Edgar Xavier Marvelo (@edgarmarvelo) on

“2 gold medals, for Papa ❤️“, maikli pero tagos sa pusong caption ni Marvelo.

Bumuhos ng pagbati at pakikiramay sa comment section ng naturang post at umabot na sa mahigit 10,000 shares at likes.

Batay sa ulat ng Jakarta Post, may sakit sa puso ang padre de pamilya at sinugod sa pagamutan noong Biyernes.

Kasalukuyang may 14 ginto, 21 pilak, at 21 tanso ang Indonesia at nasa ikaapat na posisyon sa medal tally ng SEA Games.

Facebook Comments