Agta Community sa Isabela, Nakatanggap ng Maagang Pamaskong handog mula SM City Cauayan

74

*Cauayan City, Isabela* – Nakatanggap ng maagang Pamaskong Regalo ang ilang miyembro ng Agta Community handog ng pamunuan ng SM City Cauayan ngayong araw.

Ayon kay Public Relations Manager Krystal Gayle Agbulig, humigit kumulang sa 100 kataong Agta ang nakaranas ng kasiyahan matapos maipasyal sa Mall at makapaglaro.


Nabigyan din ng pagkakataon ang mga Agta Community na makapaglaro sa indoor playground na Kidzooona.

Bakas sa mukha ng mga ito ang saya na kailanman ay hindi masusukat ng higit sa materyal na bagay kundi ang pagsasama-sama ng mga ito na minsang makapaglaro sa isang pambihirang lugar.

Sa huli, napagkalooban din ang Agta Community ng mga damit mula sa isang organisasyon



Facebook Comments