Tatay, putol ang kamay nang atakihin ng anak dahil sa away-pamilya

372
(Photo from Unsplash)

SUNGAI PETANI, Malaysia – Putol ang kamay ng 53-anyos na tatay matapos laslasin ng kanyang sariling anak dahil sa away-pamilya sa Taman Keladi.

Nangyari ang insidente nito lamang Martes, Enero 28, bandang 8:30 pm nang magkaroon ng diskuyon sa pagitan ng biktima at asawa nito.


Sa ulat ng pulisya ng lugar, namagitan daw ang 29-anyos na anak sa pag-aaway ng dalawa para pakalmahin ang sitwasyon.

Makalipas daw ang ilang sandali ay bumalik ang suspek at biglang inatake ang kanyang ama gamit ang isang ‘machete’ o malaking kutsilyo.

Sa karadagang salaysay, naputol ang kamay ng biktima dahil ginamit niya itong pansangga sa sarili mula sa pag-atake ng anak.

Naiulat naman na parehong nakainom ang dalawa ng mangyari ang insidente.

Patuloy din ang pagsasagawa ng imbestigasyon lalo pa’t may rekord na ng pananakit ang suspek.




Facebook Comments