TEXAS, US – Hindi na nag-atubili ang isang tatay na harapin ang panganib mula sa malaking buwaya matapos nitong muntik atakihin ang 4-anyos na anak.
Ayon sa CNN, kasama noon ng bata ang kapatid nitong lalaki at tagapag-alaga habang nangingisda sa agusan sa likod-bahay noong huling linggo ng Hulyo.
Kwento ng amang si Andrew Grande, bigla umano niyang naaktuhan ang isang buwaya na may habang 12-foot papunta sa kinalalagyan ng tatlo.
Malapit na raw ito sa paanan ng kanyang babaeng anak kaya hindi na umano siya nag-atubiling sumugod para dali-dali itong kunin kasama ng dalawa.
Siniguro niya ang kaligtasan ng tatlo nang itawid niya ang mga ito sa bakod ng kanilang bahay,
“He was by far the biggest one we’ve ever seen, and in fact, they have never done that before. Usually they keep their distance, just pass by. You don’t even know they’re there, but this guy’s intentions were definitely a little different,” saad nito sa panayam ng CNN.
Mayroon daw itong habang 11 feet at 7 inches at may bigat na halos 600 pounds.
Samantala, agad namang rumesponde ang mga awtoridad at nadakip ang buwaya mula sa nasabing agusan.