Tatlo, arestado dahil sa pandadaya sa sabong sa Isabela

Isabela, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki matapos mandaya sa isang sabong ng manok sa Cauayan City, Isabela.

Kasong swindling ang isasampa sa mga suspek na sina Randy Roxas, Michael Taguba at William Agcanas.

Batay sa imbestigasyon, napag-alaman ng referee ng sabungan na ang tatlo ay nagsabwatan makaraang sadyain nilang ipatalo ang kanilang panabong na manok at tumaya sa kalaban nitong manok.


Bukod pa dito, pinilay ng tatlo ang kanilang manok para makuha nag pusta ng kanilang kalaban.

Itinanggi naman ng mga suspek na nandaya sila.

Facebook Comments