Tatlo, arestado ng NBI sa pagbebenta ng hindi rehistradong gamot

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal dahil sa pagbebenta ng hindi rehistradong mga gamot sa isang entrapment operation sa Malate, Maynila.

Kinilala ng NBI ang mga suspek na sina Zhang Lei, Rowena Agaudaña Alfanta, at Rhila Bencalo Barrios na dinakip sa isang condominium sa Malate.

Sinasabing ang naturang establisyemento ay nagbebenta ng unregistered health products at nag-ooperate ng drug outlet nang walang lisensiya mula sa Food and Drug Administration (FDA).


Kinumpiska ng mga operatiba ng NBI ang iba’t ibang health products na may label na mga foreign characters na kinumpirma ng FDA na hindi rehistrado.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009, at paglabag sa Philippine Pharmacy Act sa Manila Prosecutor’s Office.

Facebook Comments