Tatlo, arestado sa iligal na droga sa Ermita, Maynila

34

Arestado ang tatlong indibdwal sa ikinasang operasyon ng Manila Police District (MPD) Drug Enforcement Unit at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jeffrey Altre, Bryan Mariñas at Jena Lovie Monique.


Nabatid na ikinasa ng mga otoridad ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na pasimpleng nagbebenta ng iligal na droga ang tatlo sa may bahagi ng Ermita at Malate.

Nakuja sa kanila ang walong sachet ng shabu kung saan todo tanggi ang tatlo na nagbebenta sila ng iligal na droga pero aminadong gumagamit sila nito.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung sino at saan nila nakukuha o nabinili ang mga iligal na droga.

Facebook Comments