Tatlo, arestado sa pagbbubugaw ng 2 menor de edad sa Taguig City

52
Manila, Philippines – Arestado ang tatlong katao na nagbubugaw sa dalawang menor de edad sa Taguig City.
 
Kinilala ang mga suspek na sina Danica Bucaling, Mary Ann Buan at Jayvy Badeo.
 
Ayon kay Atty. Janet Francisco, pinuno ng NBI Anti-Human Trafficking Division,  ang mga biktima ay anak at pamangkin ng isa sa suspek na ginagamit niya sa operasyon sa cybersex.
 
Aniya, ginagamit ng mga suspek ang mga biktimang nasa edad  15 at walo sa online prostitution kapalit ng fifty hanggang sixty us dollar  kada 30 minutong online show na ang mga viewer ay mga Amerikano.
 
Matapos naman aniyang maging parokyano ang dayuhan, aalukin na nila ito ng sextorism kung saan door to door ihahatid ang mga biktima sa mga hotel room ng mga banyaga.
 
Nabatid na nabuking ang modus ng mga suspek sa tulong ng US homeless security na nakahuli sa ilang parokyano ng grupo.
 
Nakatakda namang sumailalim sa pagsusuri ang mga nakuhang gadget ng mga suspek para matukoy ang iba pa nilang parokyano.

Facebook Comments