Pamilya ng namatay na businesswoman habang nagpaparetoke, desididong kasuhan ang mga doctor ng the icon clinic sa Mandaluyong City

669
Desidido ang pamilya ng businesswoman na namatay habang nagpaparetoke sa the icon clinic sa Mandaluyong City.
 
Ayon sa ina ng biktimang si Shiryl Saturnino na si Sherly, naniniwala silang may naging kapabayaan ang mga doctor na nagsagawa ng breast, liposuction at butt surgery sa kaniyang anak.
 
Sinabi naman ni Police Senior Supt. Joaquin Alva, hepe ng Mandaluyong pulis, humingi ng ilang araw ang legal counsel ng The Icon Clinic para maisumite ang affidavit ng dalawang doctor, isang nurse, isang nurse assistant at isang staff nurse na gumawa ng operasyon sa biktima.
 
Una na aniyang ibinigay ng mga nagsagawa ng operasyon sa biktima ang kanilang license identification card at mga dokumento para sa imbestigasyon.
 
Nabatid na regular na pasyente ng The Icon Clinic ang biktima at ito na ang ikatlong pagkakataon na sumailalim ito sa naturang procedure.


Facebook Comments