Tatlo katao, arestado sa buy-bust operation sa Koronadal City.

Koronadal City- Arestado ang tatlo katao habang nakatakas naman ang tatlong iba pa sa isinagawang buy-bust operation sa Phase 1, San Antonio Extension, Barangay Sta. Cruz Koronadal City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Eden Gubaton Austria, 43-anyos at residenteng Tantangan, South Cotabato; Ariel PascualEspia, 47-anyos, nakatira sa Brgy. Zone 2 Koronadal City; at Justin Jon Villanueva Dequina, 33-anyos, residente naman ng Brgy.Morales nitong lungsod.

Habang kinilala naman ang mga nakatakas sa buy-bust operation na sina Jusunar Poticar Ong, 49-anyos; Richie Lacamneto Dapulang, 33-anyos; at alyas “Boyaks” kapwa residente ng Koronadal City.


Nakuha sa mga suspek ang 1 medium pack, 2 big pack ng heat sealed transparent plastic sachet ng shabu, 1 thousand pesos, 2 pirasong improvised totter, gunting at timbangan.

Paglabag sa Section 5, 11 at 12 ng Article 2 ng Republic Act 9165 ang isinampang kaso laban sa mga suspek.

Facebook Comments