Pagpabor ng Korte Suprema sa Martial Law declaration, magandang pahiwatig para makamit ang kapayapaan

Misamis Oriental- Magandang pahiwatig aniya ang pagpabor ng Korte Suprema sa Martial Law declaration dito sa Mindanao.

Ayon kay Misamis Oriental Gov. Bambi Emano, noong una pa lang, naniniwala na siyang maganda ang hangad ng Presidente sa pagdeklara nito ng Martial Law sa Mindanao.

Ngayon aniyang pabor na ang Korte Supreme sa Martial Law, nararapat lamang na ibigay ng sambayanan ang suporta upang makamit ang kapayapaan.


Facebook Comments