Tatlo katao biktima ng pamamaril sa Cotabato city

Dalawa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos silang mabiktima ng pamamaril habang sakay ng pampasaherong town-ace sa tapat ng RVM School kahapon pasado alas kwatro ng hapon ditto sa lungsod. Kinilala ang mga nasawi na sina Al Jade Onson 36 anyos na residente ng barangay Bulalo Sultan Kudarat, at Nasser Alon Taug 41 anyos ng barangay Calsada Sultan Kudarat, na kapwa Dean on Arrival sa CRMC habang patuloy na ginagamot si Johari Abdullah 21 anyos, binata na nakatira sa RS Buan barangay Poblacion 1 ng lungsod. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, posibleng si Onson lamang daw ang target sa naturang pamamaril at nadamay lang ang dalawa dahil silay magkakatabi sa upuan.Hindi pa malinaw kung nakasakay din ba sa naturang town ace ang suspect o nasa labas ng town ace. Nangyari ang krimen habang nasa kasagsagan ng labasan ng mga estudyante at matraffic sa naturang lugar.Dalawang basyo ng calibre 45 pistol na baril ang narecover sa loob ng town ace.Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang inbestigasyon ni PCI Efren Salazar inaalam kung anu ang posibleng motibo sa insedente.

Facebook Comments