Tatlo katao huli sa drug buy bust operation sa bayan ng Kabacan North Cotabato

Tatlo katao ang arestado sa isinagawang drug buy-bust operation sa bayan ng Kabacan, North Cotabato . Unang naaresto ng Kabacan PNP ang isang 45-anyos na laborer na kinilalang si Kamid Agali. Nahuli si Agali dakong alas-615 ng gabi, kamakalawa, sa Barangay Kayaga.
Nakuha sa kanya ang isang pakete na may lamang shabu. Sumunod na sinalakay ang isang Albary Alba. Pero nakatunog ang suspect na ito ay isang trap kaya’t nagmadaling tumakas kaya’t di agad nahabol ang suspect. Pero naiwan naman ng suspect ang kanyang brown leather pouch na may lamang isang malaking pakete ng shabu at limang maliliit na pakete ng droga.
Nahuli rin sa buy-bust operation ang dalawa katao na naaktuhang nagbebenta ng shabu. Ito ay kinilalang sina Karno Abdul, 23,anyos at Datunor Agali, 18 anyos kapwa laborer at residente ng Barangay Kayaga Kabacan . Nakuha mula sa kanila ang tatlong pakete ng shabu at marked money. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments