TMC patuloy na nakamonitor sa trapiko sa alamonte extension

Matinding traffic ang bumungad sa mga motorista sa unang araw ng 3 days temporay closure ng Quirino bridge kung saan sa delta bridge at matampay bridge two dumaan ang mga motorista papasok at papalabas ng Cotabato city. Sinabi ni Kusain Arap ang deputy chief for operation ng Traffic Management Center, dakong alas siyete ng umaga ng maranasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa Almonte extension at delta bridge..Dahil peak hour o oras ng pagpasok ng trabaho ay marami ang volume ng mga sasakyan papasok ng siyudad. Inihayag pa nito, na nagkatraffic lang sa delta bridge particular sa checkpoint dahil nagpapaupad ng inspection ang task force cotabato sa mga motorista kung kayat mabagal ang daloy ng trapiko. Ngunit sa pangkalahatan ay maayos naman ang kanilang pagbabantay sa unang araw ng temporary closure ng QuirinO bridge.

Facebook Comments