Tatlo katao na nahulihan ng bulto bultong pera, dinala na sa piskalya ng Philippine Coast Guard

Manila, Philippines – Ipinaubaya na sa piskalya ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa nahulihan ng bulto bultong salapi sa port of Cagayan de Oro.

Dinala na ngayong umaga ng Phil. Coast Guard sa piskalya sa Cagayan de Oro city ang tatlong empleyado ng isang bangko na naharang sa pantalan ng Cagayan de Oro dahil sa pag iingat ng 32 -milyong pisong cash.

Ipinahayag ni Capt. Leo Panopio, commander ng phil Coast guard CDO station na bagamat una nang sinasabi ng bank manager na lehitimo o alinsunod sa kanilang procedure ang pagta transffer o paglilipat ng milyong milyong cash mula Cagayan de Oro city patungo sana sa Cebu City, ang piskalya lamang ang may disposisyon kung may pananagutan ang mga ito sa paglabag sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.


Payo ni Cmdr Armand Balilo, tagapagsalita ng phil coast guard na ang ganitong pag iingat ng malaking halaga ay dapat i-coordinate sa mga otoridad para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments