Tatlo katao sa pagsabog ng granada sa Cotabato City

28
Cotabato City, Philippines-  Nagsasagawa ngayon ng malalimang imbistigasyon ang Cotabato City Police Office kaugnay sa naganap na pagsabog sa lungsod kaninang madaling araw na ikinasugat ng tatlo katao kabilang na ang dalawang menor de edad.

Dakong ala 1:30 ng madaling araw na bulabugin ng isang malakas na pagsabog ang bahagi ng Rosal Street, Brgy. Rosary Heights 6 partikular ang Panda apartment.
Kinilala sa pulisya ang  mga biktima na sina Muamar Lidasan Mala, 40 anyos at ang dalawa nitong mga anak na babae na pawang nagtamo ng mga sharpnel wounds sa katawan.
Tumama umano sa bubungan ng garahe ng nasabing apartment ang pinaniniwalaang granada na agad namang sumabog.
Mariin namang itinanggi ng biktimang si Muamar na sila ang target ng inihagis na granada dahil wala umano syang alam na kaaway.
Mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na ang ospital ang mga sugatang biktima.
 

Facebook Comments