Tatlo pang Pinoy, gumaling sa COVID-19 sa abroad

11

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatlo pang Overseas Filipinos ang gumaling sa COVID-19.

Dalawa naman ang bagong na-infect ng virus habang walang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, 19,878 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad ang tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 6,628 ang aktibong kaso.

12,056 naman ang kabuuang bilang ng gumaling na habang nananatili sa 1,194 ang bilang ng mga binawian mg buhay.

Facebook Comments