Ama siyang Suspek sa Pagpatay at Panggagahasa sa Anak na Dalagita sa San Mateo, Isabela

307

Cauayan City, Isabela- Naaresto sa isinagawang operasyon ng PNP San Mateo sa pangunguna ni Chief of Police PMAJ. Abdel Aziz Maximo, kasama sina PSSG Ariel M Sagaysay, PSSG Joey R Madamba, at PSSG Ariel C. Gonzaga, ang dalawang suspek sa umano’y brutal na pagpatay at panggagahasa sa isang labing-tatlong taong gulang na dalagita na si Princess Diana Corpuz ng Brgy. Bella Luz, San Mateo, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PEMS Lariemar Paguirigan, Chief ng Investigation Section ng PNP San Mateo, kinilala ang nasa likod ng krimen na mismong ama ng biktima na si Alfredo Corpuz at bayaw nito na si Rogelio Delos Reyes Vatara, kapwa 58-anyos.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang mga suspek ay nagtago sa Sitio Pader, Barangay Anak, Nagtipunan, Quirino na nagtago matapos ang halos walong (8) buwan.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni hukom Ariel Palce ng RTC Br. 40 Cauayan City ang pag-aresto laban sa mga suspek para sa kasong Rape with Homicide.

Matatandaan na noong November 2, 2020 ng hapon nang matagpuan ang wala ng buhay at walang saplot na katawan ni Princess na itinapon sa irigasyon sa bahagi ng palayan kung saan nasa 300 metro lamang ang layo mula sa bahay ng biktima.

Batay sa resulta ng autopsy sa bangkay ng biktima, nakitaan ito ng sugat sa kanyang pribadong parte ng katawan at mayroon din tama sa ulo na nakikitang sanhi ng kanyang pagkamatay.



Para sa mga otoridad, maituturing na ‘case solved’ ang pagpatay at panggagahasa sa dalagita.


Facebook Comments