TATLO PATAY ISA KRITIKAL, SA BANGGAAN NG TRUCK AT KOTSE SA BAYAN NG ROSALES

Dead on Arrival sa pagamutan ang tatlo katao habang kritikal ang isa pa na kasamahan nila matapos ang banggaan ng truck at kotse sa bayan ng Rosales.
Naganap ang aksidente sa bahagi ng Sison Bridge sa bahagi ng Brgy. Carmen East sa nasabing bayan pasado alas singko ng madaling araw.
Ayon sa imbestigasyon, magkasalubong sa nasabing tulay ang mga sangkot na sasakyan kung saan ay nagmamaneho ng Sakay ang Isang Wilson Idava habang sa kotse naman nakasakay ang mga biktima na nakilalang sina Maria Patricia Facun, na driver ng kotse at mga angkas nitong sina Kenneth Darang, Kisha Castro at Isa pang Babae na wala pang pagkakakilanlan.

Ayon sa salaysay ng driver ng truck, napansin na umano nito na nasa linya nito ang kotse kung kayat tumigil na ito sa gilid subalit nagpang abot pa din ang dalawang sasakyan dahilan ng kanilang head on collision.
Nagtamo ng matinding sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival sina Facun, Darang at ang babaeng inaalam pa ang pangalan habang patuloy na inoobserbahan si Kishan Castro.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP ang driver ng truck habang patuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa nasabing aksidente. |ifmnews
Facebook Comments