MAGKAPATID NA PUI STUDENTS SA DAGUPAN CITY, NANALO NG INTERNATIONAL MATH AWARDS

Mathematics din ba favorite subject mo? Marami sa atin ang may ayaw sa asignaturang ito pero ibahin mo ang magkapatid na estudyante mula sa Pangasinan Universal Institute (PUI) dito sa Dagupan City.
Pinangunahan ng Asia International Mathematical Olympiad Union ang Math competition na naganap sa Kuala Lumpur, Malaysia nito lamang August 5 to 9, 2023.
Ang fourth-grader na si Heal Job Uy Esio ay panalo ng ginto sa individual AIMO category o (Asia International Mathematical Olympiad Open Contest 2023 Final), nasungkit din nito ang International Star of Philippines award at silver sa WMGO category o (World Mathematics Games Open).

Samantala, ang isa pang grade five student na si Heintj Job Uy Esio, ay nakuha din ng bronze medal sa parehong AIMO at WMGO category.
Congratulations mga idol.
Mula sa ating pang-araw-araw na buhay ginagamit natin ang Mathematics ng simple gaya ng pagbibilang o pagbili sa tindahan pero sa mga batang ito sila’y nagpakita ng kageniusan. |ifmnews
Facebook Comments