Tatlo, patay, isa, nawawala sa Davao Region dahil sa Tropical Storm Agaton

Tatlo ang patay habang isa ang nawawala sa Davao Region dahil sa pagbaha na dala ng Tropical Storm Agaton.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Joseph Rhandy Loy, ang dalawang nasawi ay parehong senior citizen na nalunod sa bayan ng Compostela habang ang isang nawawala ay mula sa bayan ng Monkayo.

Dagdag pa ni Loy na umabot na sa P100 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa naturang rehiyon.


Nauna na ring iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot sa higit 136,000 indibidwal o 86,000 pamilyang naapektuhan sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Samantala, dalawang transmission lines naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang nasira.

Facebook Comments