Exemption sa spending ban ng mga LGU na apektado ng Agaton, pabibilisin ng COMELEC

64

Handa ang Commission on Elections (COMELEC) na pabilisin ang exemption sa spending ban ng mga local government units na tinamaan ng Tropical Depression Agaton.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, batid nila ang pagkakaroon ng kalamidad at may mga pondong inilaan para rito kung kaya’t maaaring magtung agad ang apektadong LGU sa COMELEC upang mag-file ng exemption.

Hindi na rin aniya kailangang dumaan sa pagdinig dahil batid naman ng lahat na mayroong kalamidad.


Dagdag pa ni Garcia na inaprubahan na rin nila ang exemption sa election spending ban ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) upang mamahagi ng relief assistance.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10747, ipinagbabawal ang paglabas, pag-disburse, o paggastos ng mga pampublikong pondo sa panahon ng kampanya mula Marso 25 hanggang Mayo 8.

Facebook Comments