Tatlo, patay matapos pagbabarilin sa Mandaluyong City

134

Manila, Philippines – Patay ang tatlong magkamag-anakmatapos na pasukin sa loob ng kanilang bahay ng hindi nakilalang mga suspekpagkatapos ay pinagbabaril sa Brgy. Malamig Mandaluyong City.
  Kinilala ang mga biktima na sina Chito Jomaquio, JohnCarlo Jomaquio at Rosalinda Jomaquio.
   Ayon kay EPDDistrict Director P/Chief Supt Romulo Sapitula pinasok ng apat na hindinakilalang mga suspek na naka bonnet ang bahay ng mga biktima at walangkaabog-abog na pinagbabaril kung saan naisugod pa sa Mandaluyong Medical Centerang tatlong biktima pero ideneklarang Dead on Arrival.
  Pitong basyo na hindi pa mabatid na kalibre ng baril angnakuha sa pinangyarihan ng krimen.
  Dagdag pa ni Sapitula isa sa mga tinitingnan nilangmotibo sa pagpatay ay ang anggulo sa ilegal na droga dahil sina Chito atRosalinda Jomaquio ay dating nakalista sa drug watchlist ng Mandaluyong PoliceStation.
  Tinitingnan din ng pulisya kung mayroong CCTV camera salugar ng pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments

From Advertisers