Vendor, patay matapos pagsasaksakin sa Malabon City

Manila, Philippines – Patay ang isang vendor matapos napagsasaksakin ng hindi pa nakilalang suspek malapit sa basketball court ng Paradise Ville Malabon City.
Kinilala ang biktima.na nagtamo ng walong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan na sa Marlon Constantino 30 anyos alyas Toto.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya sinaksak ang biktima sa loob pa lamang ng Paradise Ville at nagawa pa umano itong tumakbo upang humingi ng tulong pero binawian din ng buhay.  Mabilis naman nakatakas ang suspek matapos ang pananaksak kung saan inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng pananaksak.
Ayon naman kay Marilyn De guzman tiyahin ng biktimamabait umano ang biktima at wala siyang nalalamang kaaway ni Constantino.

Facebook Comments