Panibagong record – naitala ng isang Taekwondo Jin sa pagpapatuloy ng Palarong Pambansa

Palarong Pambansa – Panibagong record ang naitala ng isang Taekwondo Jin, matapos masungkit ang apat na gold medals sa iisang event sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa dito sa lalawigan ng Antique.

Ito ay matapos na talunin ni Michael Porras mula Cagayan De Oro ang pambato ng Calabarzon sa 50 kilograms bantamweight division.

Ang panalo ni Porras ay nagdagdag sa nauna na niyang tatlong gintong medalya.


Una nang napanalunan ng Cagayan De Oro ang gintong medalya sa Pomsae event na 1 mix pair, 1 team at indibidwal.
DZXL558

Facebook Comments