Halos tatlo sa bawat 10 batang Pilipinong may edad limang taong gulang pababa ay bansot dahil sa undernutrition.
Batay sa report ng World Bank, ang Pilipinas ay panglima sa mga bansa sa East Asia at Pacific Region na may mataas ang paglaganap ng stunting o pagkabansot.
Bukod dito ang Pilipinas kabilang sa top 10 na mga bansa sa buong mundo na may mataas na bilang ng stunted children.
Ayon sa World Bank, ang pagkabansot ay itinuturing nilang “silent pandemic.”
Ang Bangsamoro Region, MIMAROPA, Bicol, at Western Visayas ang nakapagtala ng 40% ng stunting o pagkabansot sa mga batang may edad lima pababa.
Ang mga batang kulang sa nutrisyon ay mataas ang tiyansang mapag-iwanan sa klase o mabilis magkasakit.
Inirekomenda ng World Bank sa pamahalaan na pondohan ang nutrition programs para sa mga kabataan.