Tatlo sa limang pilipino, naniniwalang mga mahihirap lang ang pinapatay sa war on drugs – SWS survey

Manila, Philippines – Tatlo sa limang Pilipino ang nagsasabing ang mga mahihirap lamang ang pinapatay sa kampanya kontra droga.

Batay sa survey ng Social Weather Stations, tinanong ang mga respondents kaugnay ng pahayag na: *“hindi pinapatay ang mga mayayaman na drug pusher. Ang pinapatay ay mga mahihirap lamang.”*

Nasa 60-percent ang sumang-ayon, 23-percent ang hindi habang 17-percent ang undecided.


Pinakamarami ang sumang-ayon sa Metro Manila na may 79%, na sinundan ng mindanao (59%), luzon (58%) at visayas (53%).

Pero iginiit ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, nasa hanay ng mga mahihirap ang mga street level na drug pusher.

Inungkat ni Dela Rosa ang mga nasawing alkalde na sina dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog.

Facebook Comments