Tatlo sa sampung residente sa Metro Manila, payag magpabakuna ayon sa DILG

Tatlo lang sa sampung indibiduwal sa Metro Manila ang payag na mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan lumalabas na 20 hanggang 30 percent ng mga residente sa Metro Manila ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang nasabing datos ay mas mababa sa immunization target nila na 80 percent.


Bagamat hindi oobligahin ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna, patuloy aniya na mag-iikot ang DILGg sa mga lugat sa Metro Manila,Calabarzon at Davao City para naipaliwanag sa taong bayan ang importansya ng pagbabakuna.

Facebook Comments