Tatlo, sugatan sa aksidente ng pampasaherong jeep sa QC

36

Manila, Philippines – 3 katao ang sugatan matapostumagilid ang isang pampasaherong jeep sa Quezon Avenue, Brgy. Tatalon, QuezonCity kaninang madaling araw.
  Kabilang sa mga nasugatan ay dalawang babaeng pasahero atsi Ryan Corpuz, driver ng jeep na may plakang DHS-391.
  Ayon kay PO2 Jun Aviles ng QCPD Station 11, binabaybay ngnaturang jeep ang eastbound lane ng Quezon Avenue nang maaksidente ito sa tapatng Sto. Domingo Church.
  Tumama umano sa gutter ng Center Island ang gulong ngjeep dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver nito at tumagilid sa kalsada.
  Kwento naman ng ilang saksi, mabilis ang takbo ng jeep atmay kakarerahan na isa pang pampasaherong jeep.
  Dahil sa aksidente, nagsikip ang daloy ng trapiko salugar kanina.
  Nagkalat din kalsada ang tumagas na krudo sa jeep na agaddin namang binuhusan ng tubig ng mga rumespondeng bumbero mula sa QC-BFP.
  Aminado ang driver na mabilis ang kanyang takbo ngunitmay iniwasan lang umano siyang sasakyang kaya nawalan ng kontrol.
  Nahaharap ngayon ang driver ng jeep sa kasong RecklessImprudence Resulting to Physical Injuries.
 

Facebook Comments