Tuesday, March 10, 2026

TATLO, SUGATAN SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA BASISTA

Tatlong katao ang nasugatan sa isang aksidente na kinasasangkutan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Poblacion, Basista, Pangasinan bandang 2:10 ng madaling araw kanina.

Sangkot sa insidente ang isang itim na motor na may backride na dalawang estudyante at kapwa residente ng Bayambang habang ang isang sasakyan ay minamaneho ng isa pang estudyante.

Batay sa paunang imbestigasyon, kapwa papalapit sa isang road intersection ang dalawang motorsiklo na nagmula sa magkaibang direksyon nang magbanggaan.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang driver ng ikalawang motor at ang dalawang backride ng naunang motor na agad nadala sa Bayambang District Hospital para sa agarang gamutan.

Nagkaroon din ng pinsala ang dalawang motorsiklo, na sa kasalukuyan ay hindi pa natutukoy ang kabuuang halaga ng pagkukumpuni.

Pansamantalang dinala ang mga sasakyan sa kustodiya ng Basista Municipal Police Station (MPS) para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments