TATLO, SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR AT TRAYSIKEL SA SAN JACINTO

Sugatan ang tatlong katao sa naganap na banggaan ng motorsiklo at traysikel noong hapon ng Linggo, sa Brgy. Sto. Tomas, San Jacinto, Pangasinan.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang direktang pagtama ng nag-overtake na motorsiklo sa traysikel na tangkang papasok sana pakaliwa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungo sana sa Mangaldan ang traysikel, nang mag-overtake ang kasunuran nitong motorsiklo na patungo naman sa town proper ng San Jacinto, na naging dahilan ng kanilang banggaan.

Dahil dito, nasugatan ang rider at backride nito matapos mawalan ng balanse bunsod ng salpukan, habang napuruhan naman sa kaliwang paa ang driver ng traysikel.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at dinala sa pagamutan ang mga biktima. Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang mga napinsalang sasakyan para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments