Tatlo sugatan sa pagsabog ng Pillbox sa barangay RH-2 Cotabato city

Ginulantang ng malakas na pagsabog kagabi dakong alas siyete ang purok sampalok barangay RH-2 particular sa ibaba ng fly-over sa tapat ng bahay ni Jessie Himaya kung saan tatlong ginang ang minalas na tinamaan, na nakilala sa pangalan Lelita Sangayan Paran 35 anyos, isang reflexsologist sa Tantawan,Julina Albon at Minda Himaya na nagtamo ng slight injury sa katawan na mabilis na isinugod sa CRMC. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng kapulisan Sinabi ni Col.Rolly Octavio,na sakay umano ng kulay blue na single motorcycle ang responsible sa pagtapon ng Improvice Explosive Device, na mula sa itaas ng fly-over ay inihulog sa ibaba ang hindi pa matukoy na uri ng IED ang sumambulat.Matapos ang pagtapon ng IED ay mabilis umanong tumakas ang mga suspect patungo sa direction ng Notre Dame avenue. Nakarecover ng EOD Team ang putol putol na piraso ng tiewire, mula sa hindi pa matukoy na uri ng pampasabog na posibleng pillbox.Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang inbestigasyon ng kapulisan sa insedente at mabuti na lamang daw ay minor lang ang tinamo ng mga tinamaan dahil minsan ay maraming mga tao ang nasa ibaba ng fly-over.

Facebook Comments