Trisikad driver arestado sa drug operation ng PNP

Tiklo naman ang isang trisikad driver sa isinagawang Drug buy bust operation ng PP1, PDEA-ARMM at City Drug Enforcement Unit sa bahagi ng Buliao tres barangay Poblacion mother ng lungsod. Kinilala ang suspect sa pangalang Tony Kadong Mohamad, na resident eng nasabing barangay, arestado ang suspect makaraang iabot nito ang isang sachet sa isang pulis na nagpanggap na asset na ibinigay din nito ang 200 pesos a marked money. Maliban sa isang sachet ay narecover din sa bulsa ng suspect ang sampu pang maliliit na sachet na nagkakahalaga ng 5000 pesos..Ayon sa report, matagal na umanong tiniktikan ang suspect dahil sa pagsa-sideline nito ng pagtutulak ng droga.Siyay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments