Tatlong indibidwal ang sugatan matapos ang naganap na pamamaril sa Sitio Pulao, Bgy. VII, Tangub City, Misamis Occidental pasado alas-8:00 kagabi.
Batay sa ulat ng Tangub Police, nagkakaroon ng Christmas party sina Congressman Henry Oaminal, Lopez Jaena Mayor Michael Gutierrez at Jason Almone nang paputukan sila ng hindi pa kilalang suspek.
Tinamaan ng bala sa likod ng ulo si Gutierrez habang si Oaminal at Almonte naman ay natalsikan ng mga basag na salamin.
Isinugod ang mga biktima sa Misamis University Medical Center.
Si Guiterrez ay sasailalim sa surgical operation habang sina Oaminal at Almonte ay nasa maayos ng kalagayan.
Sa ngayon, bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Misamis Occidental Philippine National Police (PNP).
Ikinasa na rin ng PNP ang checkpoint sa lugar para sa pagtugis sa mga salarin habang nagpapatuloy naman ang kanilang imbestigasyon.