Tatlong aktibidad sa Taguig City, dadaluhan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tatlong aktibidad ang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.
Unang gagawin ng Pangulo ay ang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Army General hospital sa Philippine Army Headquarters sa Taguig City.
Susundan ito ng pangunguna ng Pangulo sa programang “Ang huling tikas Pahinga” isang pagpupugay sa mga bayani ng Marwi na gaganapin naman sa Bonifacio Global City sa lungsod din ng Taguig.
Pangungunahan din naman ni Pangulong Dutere ang 65th General Assembly ng League of the Cities of the Philippines na gagawin din sa Taguig City.
sa unang aktibidad ng Pangulo ay gagawaran nito ng Medal of Order of Lapu-Lapu ang mga nasugatang sundalo habang kikilalanin naman ni Pangulong Duterte kasama ng iba pang opisyal ng pamahalaan ang kabayanihan ng mga nasawing sundalo sa Marawi City kung saan inaasahang magsaalita din ang Pangulo.
Inaasahan din namang magtatalumpati si Pangulong Duterte sa ikatlo at huli nitong aktibidad kung saan makakasama nito ang mga Mayors ng mga lungsod sa buong bansa.

Facebook Comments