Tatlong akusado na sangkot sa “Mail Order Bride” scheme, hinatulang guilty ng korte ayon sa NBI

Tatlong akusado sa human trafficking ang hinatulang guilty ng San Carlos Regional Trial Court sa San Carlos City, Pangasinan.

Batay sa desisyon ng San Carlos City RTC Branch 57, pagkabilanggo ng 20 taon ang ibinaba ng korte laban kina Li Chun Rong, Violeta Aquino Lee, at ang kalalaya pang si Lai Wei Qi.

Bukod sa pagkakakulong, pinagmumulta rin ng isang milyong piso ang mga pinaparatangan.


Bukod pa rito, pinagbabayad sila ng ₱400,000 bilang damages sa complainant.

Ang complainant ay isang babaeng biktima mula sa China.

Ang naturang kaso ay una nang ipinarating ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagpapa-deport ng biktima mula sa China.

Naghain naman ito ng kaso sa NBI laban sa tatlong akusado na sangkot sa “Mail Order Bride” scheme.

Lumilitaw sa imbestigasyon, nirekrut nina Li Chun Rong at Violeta Aquino ang biktima sa Urbiztundo, Pangasinan, noong 2017 na magtrabaho sa China sa kondisyon na ipapakasal siya sa isang Lai Wei Qi, isang Chinese national.

Matapos ipadala sa China, hindi natupad ang pangakong trabaho sa halip inabuso at pinagsamantalahan lang ito ni Law Wei Qi at ng kaniyang bayaw.

Facebook Comments