*CAGAYAN-* Nakapasa na at naaprubahan na sa lebel ng House Committee on Labor and Employment ang tatlong araw na Bereavement Leave para sa lahat ng mga empleyado ng pampubliko o pribadong kumpanya sa bansa.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Cagayan 3rd District Congressman Randolph Randy Ting tungkol sa pagpasa sa naturang panukala na kanyang pinamumunuang komite.
Aniya, tatlong araw lamang umano ang inaprubahang bereavement leave para sa isang empleyado upang hindi umano gaanong makaapektuhan ang productivity ng isang kumpanya.
Ito ay upang makapagluksa rin naman ang isang empleyado na namatayan ng pamilya.
Sa ngayon ay ilalabas na lamang umano ang Committee reports nito at tatalakayin sa plenary session at posibleng maaprubahan na ng buong kamara sa buwan ng Nobyembre.
Samantala, kasalukuyan pa rin ngayon ang kanilang isinasagawang Budget hearing sa kamara na ngayon ay inaasikaso na ng House of Representatives.