Sports – Posibleng kunin ni Headcoach Chot Reyes sina Jeron Teng, Jett Manuel at Andre Paras bilang parte ng Gilas Pilipinas na siyang sasabak sa FIBA Asia Champions Cup na gaganapin sa China.
Pormal na inimbitahan ni Reyes ang tatlo sa isinagawang practice kahapon ng Gilas kung saan hindi pa sigurado kung makakalaro sina Fil-German Christian Standharidnger, Ray-Ray Parks at Matthew Wright.
Nabatid kasi na may iniindang injury si Standhardinger at Parks habang uuwi naman ng Canada si Wright matapos ang PBA Governors’ Cup dahil sa gusto na nitong makapiling ang anak na lalaki na halos isang taon ng hindi nakakakasama.
Mayroon na lamang hanggang Biyernes si Coach Reyes para isumite na ang final line-up ng Gilas Pilipinas na sasabak sa nasabing tournament.