Tatlong barangay officials na sangkot sa SAP anomalies, kinasuhan ng NBI

Tatlong barangay officials na sangkot sa anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa Hagonoy, Bulacan ang kinasuhan at sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng Graft and Corruption Case.

Kinikala ang mga kinasuhan na sina Barangay Kagawad Danilo Flores, Brgy. Executive Assistant Richard Boy Bautista at Brgy. Chairman Jason Mendoza na pawang officials ng Barangay San Agustin sa Hagonoy.

Dalawa ring iba pang private individuals ang kinasuhan ng NBI sa Department of Justice at kinilala ang mga ito na sina dating Brgy. Kagawad Levi Cosay at Regine Bautista na misis ni Executive Assistant Bautista.
Lumalabas sa imbestigasyon ng NBI na tatlong complainants ang nagsumbong hinggil sa pagkaltas ng 4,000 kada isang recipient ng naturang barangay officials mula sa natanggap nilang sap na tig-6,500 pesos.
Ginawa raw palusot nina Flores at mag-asawang Bautista na ang tig-P4,000 kinaltas sa kanilang SAP ay mapupunta kay Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz at sa frontliners ng munisipyo.


Batay sa imbestigasyon, ang kabuuang 117,000 pesos na nakolekta mula sa SAP recipients ay napunta sa mag-asawang Bautista.

Facebook Comments