KORONADAL – Isinailalim na sa State of Calamity ang tatlong barangay sa Lungsod ng Koronadal dahil sa nararanasang matinding tagtuyot sa mga pananim nito na kinabibilangan ng palay, mais, gulay at mga rootcrops.Kabilang sa mga ito na nasa State of Calamity ang Barangay Cacub, Esperanza, at Magsaysay.Sa isinumiting datos ng mga ito sa City Agriculture Office, sa Barangay Esperanza mahigit 1.6 million pesos ang pinsala,Cacub umaabot sa 850 thousand pesos at sa Barangay Magsaysay nasa 1.8 million pesos ang naitala nilang pinsala.Samantala sa datos naman ng City Agriculture Office umaabot na sa mahigit 32.8 million pesos ang pinsala ng nararanasang tagtuyot sa buong lungsod at may 10,009 na mga magsasaka ang apektado.Kaugnay nito pinag-aaralan na rin ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Koronadal ang pagrerekomendang isasailalim sa State of Calamity ang lungsod.
Tatlong Barangay Sa Lungsod Ng Koronadal Isinailalim Sa State Of Calamity Dahil Sa Tagtuyot.
Facebook Comments