Kinumpirma ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office ang pagsailalim nila sa tatlong Barangay sa lalawigan ng Pangasinan bilang Areas of Concern kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Pangasinan PNP Provincial Director Police Col. Jeff Fanged, base sa kanilang masusing validation ay tatlo na lamang sa apat na unang barangay na kanilang tinutukan ang isinailalim sa Areas of Concern.
Ang nasabing mga Barangay ay mula sa Bayan ng Burgos, Mangatarem at San Quintin.
Kabilang sa kinonsidera ng mga awtoridad ay dahil sa naitalang karahasan sa naturang mga Barangay noong 2018 Elections, at intense political rivalry.
Posible naman na mabago pa ang estado ng nasabing mga Barangay sa susunod na araw base narin sa patuloy nilang monitoring. |ifmnews
Facebook Comments