Tatlong Battalion ng 5th ID na nasa Mindanao Planong Ibalik sa Lambak ng Cagayan!

Nais ni Defense Secretary Lorenzana na muling maibalik ang tatlong battalion ng 5th ID na nasa Mindanao kung tuluyan ng matatapos ang kaguluhan doon at kapag natugunan na ang kakulangan ng miyembro ng binuong 11th Infantry Division Philippine Army, Ito ang bahagi ng kanyang naging talumpati sa Ika-38 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng 5ID Division Philippine Army sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Magugunita na ang tatlong battalion na kinabibilangan ng 41st, 21st, 51st Infantry ay ipinadala sa Mindanao upang tumulong sa insurhensiya sa buong Mindanao partikular sa Jolo at Sulu.

Ayon kay Sec. Lorenzana, nais niyang pag ibayuhin pa ang serbisyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtugis sa mga rebelde at teroristang grupo sa bansa.


Batay na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte upang matapos na rin ang suliranin sa terorismo sa bansa .

Samantala sa kanyang pagdalaw bilang panauhing pandangal sa okasyon ng 5ID kanyang pinuri ang mga opisyal at buong hanay ng sandatahang lakas ng 5th Infantry Division dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho na maglingkod sa bayan sa kabila ng kakulangan sa mga kasundaluhan dahil sa pagkamatay ng ilang sundalo sa mga nakaraang digmaan sa bansa.

Facebook Comments